Online sellers binalaan ng FDA sa mas mahal na pagbebenta ng medical supplies

Online sellers binalaan ng FDA sa mas mahal na pagbebenta ng medical supplies

March 13, 2020 @ 7:41 PM 1 year ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Binalaan ng Food and Drug Administration (FDA) ang lahat ng garapal na online sellers na nagbebenta ng mas mahal na medical supplies tulad ng alcohol, face masks, at sanitizers.

 

Dahil dito naglabas ng listahan ng itinakdang tamang presyo para sa ilang emergency medical supplies.

Nangangahulugan ito na ang pagbebenta ng mas mahal ng mga garapal na online sellers sa mga nakalistang suplay ay ipinagbabawal.

 

Inatasan naman ang lahat ng FDA inspectors at regulatory enforcement unit agents na imonitor ang lahat ng mga paraan ng pagbebenta bilang pagsunod sa circular.

 

“All FDA Inspectors and Regulatory Enforcement Unit agents are directed to conduct exhaustive monitoring of all online platforms to ensure full compliance of this Circular and the above-mentioned DOH issuances and to pursue and implement immediate regulatory and enforcement actions as warranted,” base sa FDA circular. Remate News Team

 


  •  
  •  
  •