Online selling ng mga karne sa Rosario, La Union, ibinawal

Online selling ng mga karne sa Rosario, La Union, ibinawal

July 11, 2020 @ 10:58 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

La Union- Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng karne, processed foods at lahat ng klase ng meat-by-products sa pamamagitan ng online o internet sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito.

Ang utos ay ibinaba ni Mayor Bellarmin ‘Larry’ Flores sa pamamagitan ng kanyang Executive Order No. 53, seriesof 2020.

Ang mga lalabag na online sellers ay kakasuhan ng paglabag sa Food Safety Act of 2013.

Sinabi ni Myor Flores na ang pagbabawal ay ipinatupad para pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan ng naturang bayan.

Nais ng lokal na pamahalaan na tiyaking ang mga nabibiling karne, lalo na ng baboy, ay ligtas kainin at walang kaso ng swine flu.

Patuloy na nagpapaalaa sa publiko ang National Meat Inspection Service na kung bibili lang din ng karne ng baboy ay ‘yung mga bagong katay sa mga palengke. Rolando Gamoso


  •  
  •  
  •  

Loading...