Online shop ni Kim, nagsara!

Online shop ni Kim, nagsara!

October 26, 2022 @ 6:00 PM 1 month ago


Manila, Philippines- Sarado ang online store ni Kim Chiu.

But before you jump the gun, kailangang klaro na kaya sarado ito dahil naubos ang kanyang mga paninda.

Ocrober 16 nang buksan ni Kim ang kanyang House of Little Bunny Ph which sells affordable women’s bags.

Naglalaro ang presyo ng mga ‘yon sa pagitan ng P3 at P5,000.

Imported from Thailand ang mga bags na ‘yon which come in various colors and designs.

Kabado nga si Kim nang simulan ang kanyang negosyo as she doubted kung magki- click ‘yon.

Ikinagulat ng nobya ni Xian Lim na ubos agad ang mga paninda niya sa loob ng isang linggo lang!

“No more words, just thank you,” sambit ng Chinita Princess on the success of her business venture.

Pero nakatakda itong magbukas muli sa November with more choices, colors and designs to choose from.

Marami naman ang na inspire sa pagnenegosyo ni Kim who must have realized daw that showbiz isn’t a thing of forever.

Still others suspect na pinaghahandaan na raw ni Kim ang future nila ni Xian.

May inggit factor daw involved lalo’t engaged na ang malapit niyang kaibigan na si Angelica Panganiban.

Kim is already of age kaya why not? Ronnie Carrasco III