Online shopping app sa MSMEs bubuuin ng DICT

Online shopping app sa MSMEs bubuuin ng DICT

July 21, 2022 @ 11:21 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kinokonsidera ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang paglikha ng online shopping platform upang tulungan ang micro, small, and medium enterprises (MSME) na mapalawig ang kanilang negosyo sa digital space.

Sinabi ni DICT Secretary Ivan John Uy na ang plataporma ay makapagbibigay ng kompletong e-commerce “ecosystem” mula sourcing ng “raw materials, global digital marketing, and an e-payment system.”

“This will be integrated — they won’t have to worry about how would they transform their business from a brick-and-mortar into an e-commerce-enabled business,” ayon kay Uy.

Aniya, ang plataporma na patatakbuhin ng DICT, Department of Trade and Industry, ay pareho sa online shopping platforms gaya ng Shopee at Alibaba.

“But then, specially designed for MSMEs. This will bring them up, make them more, and will become a major player. Because MSMEs have always been a major player in our economy,” ani Uy.

Sa halip aniya na magkaroon ng “design and develop” ng kanilang sariling websites para palawigin ang kanilang businesses online, ide-disenyo ng pamahalaan ang plataporma at MSMEs kung saan kailangan ang “register and be onboard.”

“[It will] assist them to transform their businesses and introduce them to the e-commerce world seamlessly. Kasi ‘yan ang challenge nila. Where the heck are they going to hire web designers?” anito.

Ang proyekto ay para tugunan ang epekto ng Covid-19 pandemic na dahilan ng pagkasalat ng ilang negosyo habang ang iba naman ay nag-adopt ng online thrived.

“They haven’t been able to shift their business into the e-commerce platform because of challenges. We’re here, and we’ll solve those challenges for them and make it easier for them to do,” ayon kay Uy.

Sinabi ng GlobalData, isang leading data at analytics company na nakabase sa UK, na ang e-commerce market sa Pilipinas ay nakapag-rehiatro ng pagyabong sa nakalipas na nakalipas na taon at ang Covid-19 pandemic ay nakapag-accelerate ng trend.

“It is expected to further grow an annual rate of 15.8 percent from 2022 to 2025 and transactions are projected to reach PHP495.2 billion in 2025,” ayon sa ulat. Kris Jose