Online town hall meeting ikakasa ng Comelec, NGO

Online town hall meeting ikakasa ng Comelec, NGO

July 6, 2021 @ 3:50 PM 1 year ago


MANILA, Philippines — Maglulungsad ang Commission on Elections (Comelec), kasama ang non-profit organization Vote Pilipinas, ng isang Town Hall meetings na makapagpapalakas sa voter registration.

Gagawin ang Town Hall online, sa ilalim ng “Magparehistro Ka!” campaign, sa Huwebes, 5 p.m. to 7 p.m. at maipalalabas sa pamamagitan ng Zoom at Facebook.

Magbibigay si Comelec Commissioner Rowena Guanzon ng keynote address pago ang presentasyon ng datos sa voter registration ni Comelec spokesman James Jimenez, at Vote Pilipinas lead convenor Ces Rondario.

Sa ngayon ay mayroong 60 milyong rehistradong botante sa bansa. RNT