Online visa waiver ilulunsad na ng BI

Online visa waiver ilulunsad na ng BI

December 27, 2022 @ 7:52 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Mas madali na ang pagpapalawig ng pamamalagi ng mga bumibisita sa bansa o mga short-term visitors.

Ayon sa Bureau of Immigration nitong Lunes, Disyembre 26, bago matapos ang taon ay magiging posible na ang aplikasyon ng visa waiver online.

Layon nito na dumami pa ang mga dayuhang turista na bibisita sa bansa.

“Yes nakatakda yang i-launch bago matapos ang taon, this is called the visa waiver – online project ito. Very simple po for short-term tourists na pupunta dito sa bansa from foreigners of 157 countries who are able to come here visa-free, pwede na silang mag-extend ng kanilang visa, online na lang po,” saad ni BI spokesperson Dana Krizia Sandoval kasabay ng public briefing.

“Napakadali para sa i-encourage din natin ang turismo, very convenient, very easy po para sa traveling public and we’re really encouraging people to use this platform,” dagdag niya. RNT/JGC