Open pit mining ipinagbabawal pa rin – DENR

Open pit mining ipinagbabawal pa rin – DENR

July 4, 2018 @ 3:44 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Nanindigan si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na ipinagbabawal ang open pit mining dahil nakasisira ito sa kalikasan.

Ayon kay Cimatu patuloy na ipinagbabawal ng DENR ang open pit mining at walang pinapayagan ang ahensiya na makapag-operate nito saan man panig ng bansa.

Sa isang interbiyu sa 31st founding anniversary ng DENR kanina Hulyo 4, 2018 (Miyerkules) sinabi ni Cimatu na mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang open pit mining subalit pinapahintulutan naman ng DENR ang quarrying.

Nabatid pa sa DENR secretary na ang open pit mining ay nakasisira ng malawak na kalikasan ng bansa.

Bagamat may ilang lugar na pinapayagan ang quarrying, sinabi pa ni Cimatu na sa Zambales ay nakasara ang quarrying.

“For Zambales wala pa nakasara pa ang quarrying doon” ani pa ni Cimatu.

Kaugnay nito sinabi ni Cimatu na patuloy pang pinag-aaralan ng DENR ang tubig sa Laguna Lake matapos tambakan ng basura ng dalawang construction company ang Lawa ng Laguna dahilan para ipasara ang mga naturang kumpanya na lumabag sa environmental laws.

“I’m very much interested  the quality of the water in a Laguna Lake kasi yun naman nakakasira sa fishing pababa towards Manila Bay, Pasig River, Manila Bay kaya we are very consistent in our effort to prevent yung pagkasira ng Laguna Lake” ani pa ni Cimatu.

Ayon pa kay Cimatu patuloy ang mga ginagawang hakbang ng DENR para protektahan at pangalagaan ang kalikasan sa ano mang paraan. (Santi Celario)