Opening hours sa 43 SSS branches sa NCR mas pinaaga; ilang branch bukas tuwing Sabado

Opening hours sa 43 SSS branches sa NCR mas pinaaga; ilang branch bukas tuwing Sabado

October 17, 2022 @ 10:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Magkakaroon na ng mas mahabang oras ang mga miyembro ng Social Security System sa mga transaksyon sa SSS sa mas maagang opening hours ng huli sa ilang branches at Saturday schedules sa mga mall.

Sisimulan sa 43 SSS branches sa National Capital Region ang pagseserbisyo sa mga miyembro ng alas-7 ng umaga.

Kabilang dito ang:

  • Batasan Hills;

  • Congressional;

  • Cubao;

  • Deparo;

  • Diliman;

  • Eastwood;

  • Fairview;

  • Kalookan;

  • Malabon;

  • Navotas;

  • Paso de Blas;

  • San Francisco Del Monte;

  • Valenzuela;

  • Antipolo;

  • Mandaluyong-Shaw;

  • Marikina;

  • Marikina-Malanday;

  • New Panaderos;

  • Pasig-Mabini;

  • Pasig-Pioneer;

  • Pasig-Rosario;

  • San Juan;

  • Tanay;

  • Binondo;

  • Legarda;

  • Manila;

  • Pasay-Roxas;

  • Pasay-Taft;

  • Sta. Mesa;

  • Tondo;

  • Welcome;

  • Alabang-Muntinlupa;

  • Alabang-Zapote;

  • Bicutan Sun Valley;

  • Las Piñas;

  • Makati-Chino Roces;

  • Makati-Gil Puyat;

  • Makati-Guadalupe;

  • Makati-JP Rizal;

  • Parañaque;

  • Parañaque-Tambo;

  • Taguig; at

  • Taguig Gate 3.

Samantala, 12 branches sa NCR shopping malls ang bukas tuwing Sabado maliban para sa tellering services, hanggang Disyembre 31, 2022.

Kabilang dito ang:

  • Cubao;

  • Malabon;

  • Novaliches;

  • Paso de Blas;

  • Antipolo;

  • Mandaluyong-Shaw;

  • Marikina;

  • Ortigas;

  • Las Piñas;

  • Makati-Chino Roces;

  • Parañaque; at

  • Taguig.

Bukas ang mga nabanggit na branches sa shopping malls mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon maliban sa Novaliches at Ortigas branches na bukas mula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng hapon.

“We understand that many SSS members cannot visit SSS offices during weekdays given their working schedule, so we decided to open our branches in shopping malls on Saturdays until the end of the year,” pahayag ni SSS president at chief executive officer Michael Regino nitong Biyernes.

Pwede ring magsagawa ng transaksyon ang SSS members, kanilang benepisyaryo, employers at pensioners online sa My.SSS portal sa SSS website at sa SSS Mobile App, ayon sa kompanya. RNT/SA