Operasyon ng DOH sa N. Luzon pangangasiwaan ni Tayag

Operasyon ng DOH sa N. Luzon pangangasiwaan ni Tayag

November 26, 2022 @ 12:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pangangasiwaan ng bagong hirang na si Health Usec. Eric Tayag ang operasyon ng Department of Health sa North Luzon, ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.

Naatasan aniya si Tayag na pamunuan ang field implementation at coordination teams ng ahensya.

Kasama sa kanyang assignment ang mga lugar sa Cordillera, Ilocos Region, Cagayan Valley at Central Luzon.

“He was assigned to our field implementation coordination team and he is in charge of our Northern Luzon area. This Northern Luzon will comprise CAR, Regions 1, 2, 3. And he is in charge of overseeing the operations of our hospitals, treatment and rehab centers, and our regional offices,” ani Vergeire

Inatasan din aniya si Tayag na tignan ang operasyon ng mga ospital, treatment at rehab centers, regional offices at pakikipag-ugnayan sa pamahalaang lokal sa pamamagitan ng regional offices.

Si Tayag ay nakilala dahil sa pagtataguyod ng kampanya sa kalusugan sa pamamagitan ng pagsasayaw ay nanumpa bilang DOH Undersecretary noong nakaraang linggo.

Bago ang kanyang bagong posisyon, si Tayag ay pinuno ng Knowledge Management at Information Technology Service ng ahensya.

Nagserbisyo rin bilang DOH Assistant Secretary. Jocelyn Tabangcura-Domenden