Operasyon ng HOHO bus sa Baguio, ibabalik na

Operasyon ng HOHO bus sa Baguio, ibabalik na

July 9, 2022 @ 9:41 AM 1 month ago


BENGUET- Nakatakdang ibalik ang operasyon ng Hop On, Hop Off” o HOHO bus sa Hulyo 15 para sa mga turistang aakyat o pupunta ng Baguio City.

Ayon sa lokal na pamunuan, umaabot ng 50,000 hanggang 60,000 ang mga bumibisita sa Baguio weekly at 40,000 sa mga ito ang dumarating mula Biyernes hanggang Linggo.

Nabatid na kung sasakay sa HOHO bus ang mga turista, luluwag ang trapiko sa Baguio partikular sa mga kalsada malapit sa Botanical Garden at Mines View Park dahil mababawasan ang bilang ng mga magpaparadang sasakyan.

Ayon sa Tourism Office, ang first trip ay bibiyahe ng alas-8:30 ng umaga mula sa Baguio Convention Center at ang last trip naman ay alas-6 ng hapon mula Wright Park hanggang Governor Pack Road bilang dropoff point.

Ang babayaran lang ng mga turista ay ang parking fee ng mga ipa-park nilang sasakyan sa Baguio Convention Center bago sumakay ng HOHO bus.

Ipinaliwanag ng Tourism Office na ang mga babayarang parking fee ay gagamitin para sa operasyon, maintenance ng mga HOHO bus at allowance na ng mga driver pati na rin ang mga tour guide. Rolando S. Gamoso