Operasyon ng Kaliwa Dam inaasahang magsisimula sa Disyembre 2026

Operasyon ng Kaliwa Dam inaasahang magsisimula sa Disyembre 2026

February 2, 2023 @ 7:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahang magsisimula na sa Disyembre 2026 ang operasyon ng New Centennial Water Source – Kaliwa Dam Project (NCWS-KDP) na magbibigay ng 600 milyon litro ng tubig kada araw.

Ayon kay Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) administrator Leonor Cleofas, nagsimula na ang tunnel boring mula sa Teresa patungong Morong, sa probinsya ng Rizal na may habang 22 kilometro.

Sinabi pa ni Cleofas na ang 42 pamilya na maaapektuhan ng konstruksyon ng tunnel ng Kadiwa Dam ay aalalayan ng pamahalaan.

Idinagdag pa niya na nakadagdag sa pagkaantala ng konstruksyon ng proyekto ang peace and order situation sa lugar na agad naman nang natugunan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF).

“Many studies have shown that the Kaliwa Dam is a viable option for preventing water shortage problems in the medium to long term,” sinabi naman ni MWSS chairman of the Board of Trustees Justice Elpidio Vega.

Inalala niya ang naranasang water shortages sa Metro Manila noong 2019. RNT/JGC