Operasyon ng LRT-2 sa Holy Week, limitado

Operasyon ng LRT-2 sa Holy Week, limitado

March 13, 2023 @ 6:08 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Suspendido ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa Holy Thursday (Abril 6) hanggang Easter Sunday (Abril 9) at paiigsiin ang operating schedule nito sa Holy Wednesday.

Sinabi ng LRT-2 sa kanilang news release na sa Abril 5, ang oras na lamang ng kanilang biyahe ay hanggang alas-7 ng gabi sa parehong rutang patungo sa Recto at Antipolo City.

Sinabi ni LRTA Administrator, ang apat na araw na shutdown ay magbibigay sa LRTA ng sapat na panahon para magsagawa ng masusing maintenance sa LRT-2 trains, station facilities, at equipment para matiyak ang system reliability at kaligtasan nito.

Ayon kay Cabrera, sinasamantala nila ang Holy Week upang maisagawa ang taunang maintainance activities.

Dahil dito, umaapela ito sa mga mananakay at hiniling na planuhin ang kanilang biyahe kasabay ng paggamit ng alternatibong transportasyon sa nasabing panahon.

Magbabalik ang operasyon ng LRT-2 na nag-uugnay sa Recto at Antipolo sa Abril 10, pagkatapos ng Semana Santa kung saan ang biyahe ay magsisimula alas-5 ng umaga. Jocelyn Tabangcura-Domenden