Operasyon ng malalaking kompanyang Amerikano sa Russia tuloy

Operasyon ng malalaking kompanyang Amerikano sa Russia tuloy

March 19, 2022 @ 4:57 PM 3 months ago


MOSCOW – Habang marami nang kompanyang Amerikano ang tumigil sa operasyon sa loob ng Russia, marami rin ang nagpapatuloy sa iba’t ibang kadahilanan.

Ang Cargill na kompanya sa pagkain ay nagsabing karapatang pantao ang pagkain kaya naman hindi pupwedeng ipagkait ito sa mga mamamayan sa Russia.

Sinabi naman ng malaking kompanyang langis na Koch Industries na may subsidiary na Guardian Industries, hindi sila pupwedeng magsara dahil may 600 silang empleyadong Ruso na maghihirap kung gawin nila iyon.

Patuloy din ang operasyon ng higanteng Halliburton na nagbibigay ng serbisyo sa mga kompanyang langis.

Ang Subway na may 446 fast food restaurants ay hindi rin titigil lalo’t marami sa prangkisa nito ang pag-aari ng mga Ruso.

Hindi rin umaalis kundi nagpapatuloy ang Natur Co. na may kontrol sa mga beauty product na Avon, Body Shop at iba pa.

Tanging ang magagawa nila ay magsuspinde ng pagpalaki ng kani-kanilang mga kompanya o paggawa ng mga bagong pamumuhunan sa Russia. RNT