Operasyon ng MRT dapat nang isapribado para iwas pulitika – Poe

Operasyon ng MRT dapat nang isapribado para iwas pulitika – Poe

November 10, 2022 @ 6:32 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pabor si Senador Grace Poe na isapribado ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 tulad ng sistema sa Japan na maayos upang maiwasan ang pangingialam ng politiko tulad sa mga nakaraang pangyayari.

Sa pahayag, sinabi ni Poe na maganda ang sistemang ginagamit sa Japan kaya’t nararapat nang isapribado ang MRT alinsunod sa plano ng Department of Transportation (DOTr) na makipag-alyansa sa pribadong sektor sa operasyon nito pero nananatiling pag-aari ng pamahalaan ang lahat ng ari-arian nito.

“I agree that the MRT-3 operations should be privatized. As we’ve seen in the past, political interventions have caused more problems and inefficiencies to the MRT operations,” ayon kay Poe sa statement.

Idinagdag pa niya na pribado ang nagpapatakb ng sistema ng tren sa Japan kaya’t mahusay ang operasyon nito.

Binanggit din ni Poe ang mas mahusay na performance ng Light Rail Transit Lines 1 at 2, na pinatatakbo ng pribadong sektor.

“The LRT line is also privately run and had been more efficiently operated compared to the MRT,” aniya.

Pero sinabi ni Poe na dapat masusing kikilatisin ang prospective operator upang matiyak na maayos ang magiging takbo ng sistema.

“The government should also have some control in determining the fare matrix to prevent prohibitive and unfair price surges. The riding public’s welfare, convenience and safety, should be the priority,” ayon sa senador.

Nilinaw ng DOTr na hindi for sale ang MRT 3 pero inamin na malaki ang posibilidad na ibigay ang operasyon at maintenance nito sa pribadong kompanya. Ernie Reyes