Operasyon ng MRT sinuspinde sa technical problem – MMDA

Operasyon ng MRT sinuspinde sa technical problem – MMDA

November 2, 2022 @ 7:39 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinalubong ng aberya sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ang mga empleyadong balik-trabaho nang suspendihin ng pamunuan ang operasyon nito dahil sa technical problem, Miyerkules ng umaga, Nobyembre 2.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang technical problem ay nangyari sa Shaw Boulevard Station.

“Situation was coordinated with MMDA Road Emergency Group and Director Francis Martinez for possible transportation aid,” anang ahensya.

Ang suspensyon ng operasyon ayon sa ulat ay nagsimula alas-5:40 ng umaga at nagresulta ito sa napakahabang pila ng mga pasahero sa mga istasyon ng tren.

Hindi pa naglalabas ng pahayag ang pamunuan ng MRT sa insidenteng ito. RNT/JGC

Ang larawan ay kuha ni Pamela Barrun