Operasyon sa 4 na planta sinuspinde ng Coca-Cola

Operasyon sa 4 na planta sinuspinde ng Coca-Cola

August 30, 2022 @ 5:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pansamantalang ipinatigil ng Coca-Cola Beverages Philippines Inc. ang operasyon sa apat nitong planta sa bansa sa gitna ng problema sa suplay ng asukal.

“On a day-to-day basis, we may be temporarily suspending operations in certain plants,” pahayag ni Coca-Cola Beverages Philippines Corporate and Regulatory Affairs director Juan Lorenzo Tañada sa Senate blue ribbon committee hearing sa “sugar fiasco” nitong Martes.

Aniya, ipinatigil muna ang operasyon ng Coca-Cola plants sa Davao; Imus, Cavite; Zamboanga; at Naga City, Camarines Sur.

“There could probably be a fifth, your honor, but off the top of my head, I remember four po, four plants at the moment,” sabi niya.

Sa kabila ng tigil-operasyon, sinabi ni Tañada na hindi muna pinapapasok ang mga empleyado subalit makatatanggap pa rin sila ng sahod.

Sinabi ni Tañada nitong nakaraang linggo na gagawin ng kompanya ang makakaya upang hindi magtanggal ng manggagawa at upang hindi magtaas ng presyo ng mga produkto sa kabila ng mga hamon sa operasyon dulot ng kakulangan sa bottler-grade premium refined sugar. RNT/SA