Operasyon sa lahat ng korte sa NCR, 3 iba pang rehiyon suspendido bukas

Operasyon sa lahat ng korte sa NCR, 3 iba pang rehiyon suspendido bukas

September 25, 2022 @ 3:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Korte Suprema na kanselado na ang operasyon ng lahat ng mga korte sa National Capital Region, Region 3, 4 at 5 bukas, Setyembre 26.

Ito ang inanunsyo sa pamamagitan ng memorandum bilang paghahanda na rin sa posibleng epekto ng Super Typhoon Karding.

Ayon kay acting Chief Justice Marvic Leonen, sakop ng suspensyon ang lahat ng antas ng korte.

“For court not mentioned, Executive Judges are granted the authority to suspend work in their respective stations following the guidelines in OCA Circular No. 51-2020 dated February 5, 2020,” dagdag pa ni Leonen.

Kung babalikan, kanya-kanya na rin ng deklarasyon ng walang pasok bukas ang iba’t ibang lokal na pamahalaan sa mga apektadong lugar. RNT/JGC