Operating capacity ng dine-in services sa GCQ, MGCQ areas, niluwagan pa

Operating capacity ng dine-in services sa GCQ, MGCQ areas, niluwagan pa

July 14, 2020 @ 1:35 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patataasin at paluluwagin pa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang operationg capacity para sa mga dine-in service sa mga restoran sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) simula Hulyo 21.

“‘Yung 30% operating capacity ng dine-in restaurants maa-adjust na rin po sa July 21 to 50% sa GCQ areas,” ani Trade Secretary Ramon Lopez sa Laging Handa public briefing ngayong Martes.

“Sa modified GCQ ay from 50% to 75%,” dagdag pa ng kalihim

Bunga umano ito sa pagiging masunurin sa health protocols ng nasa 400 na restoran na kanilang minonitor, ayon kay Lopez.

Kasabay nito, hinikayat niya rin ang iba pang local government units na palawigin ang kanilang curfew para mapahaba naman ang dine-in services ng mga restoran.

“Ine-enjoin din sana ang mga local government units na i-allow nila ang extension ng curfew nila na imbes na 10 p.m. gawing 12 [midnight] para ang mga restaurants can operate from 10 p.m. to 11 p.m. doon po kasi ‘yung maximum operating hours,” dagdag pa ng kalihim.

“Makakadagdag sa kikitain ng workers kasi it will mean more turnover sa mga nagdi-dinner… at ‘pag naputol nang maaga ay bawas kita rin po ‘yan,” aniya pa. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...