Operation Greyhound ikinasa ng MPD

Operation Greyhound ikinasa ng MPD

July 12, 2021 @ 2:47 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Nagkasa ng “Operation Greyhound” ang Manila Police District (MPD) Station-13 sa mismong detention cell nito sa Baseco Compound.

Ayon kay MPD Station-13 Commander Police Lt. Col. Robert Domingo, ang naturang operasyon upang masigurong walang anumang kontrabando na makakapasok sa nasabing kulungan.

Ilan sa mga nakumpiskang gamit ay mga relo, plastic spoon, toothbrush, ballpen, bluetooth speaker at iba pa. Nasa 105 inmates ang nananatili sa detentiob cell ng MPD Station-13 kung saan 80 dito ay lalaki at 25 ang babae.

Ito na ang ikatlong araw na nagkasa ng oplan greyhound ang MPD at kabulang sa mga naunang nainapeksyon ay ang Station 1,3, 9 at 11. CRISMON HERAMIS


  •  
  •  
  •