Opinion sa pondo ng Brgy.

Opinion sa pondo ng Brgy.

July 18, 2018 @ 7:35 PM 5 years ago


Basahin natin ang opinion ni Ben Latigo.

Gud day po. Baka puwe­de pong iparating ko lang sa magigiting nating  mambubutas, este, mambabatas na paglaanan nila ng panahon ang pag-akda at pagpasa ng batas na naglalayong maihiwalay ang pondo ng Sangguniang Kabataan officials mula sa barangay.

Ito’y para hindi mama­niobra o magamit ng barangay chairman ang  pondo na nakalaan sa mga proyekto at programa ng SK para sa kanilang activities na pangkabataan.

Para po sa kaalaman ng lahat, sampung porsyento po ng annual ba­rangay budget ang nakalaan para sa SK fund.

Kaya marapat lamang po na “i-separate” ang pondo nila sa barangay budget para hindi mapakialaman ng mga barangay chairman ang kanilang pondo.

Gayundin na para hindi madiktahan ng barangay officials ang SK leaders sa mga proyekto o programa na nais nilang maipatupad sa kanilang mga barangay.

Patunay lang po, dito sa aking barangay ay nangyari ang pagwaldas ng aming kupitan, este, kapitan ng pondo ng SK sa pamamagitan ng pagpapapirma niya ng ‘blang­kong papel’ sa SK officials na walang kaa­lam- alam na nailabas ang ka­nilang pondo.

Kaya buong hiling po ng inyong lingkod na maihiwalay ang pondo ng mga Sangguniang Kabataan para naman po maging independent ang future leaders sa lahat ng mga naisin nila sa kanilang paglilingkod sa barangay

Maraming salamat po. Ben Latigo.

 

UNTOUCHABLE DODONG GASUL

Patuloy pa rin daw ang untouchable na operasyon ng pagpapaihi ng iba’t ibang produkto ng petrolyo itong si Dodong Gasul sa Brgy. Ma­quiling, Calamba, Laguna. Ito’y sa likod lang ng Yakult Factory na kung saan ino-operate ang pagpapaihi.

Nagbubulag-bulagan kahit ‘di bulag si Calamba COP Supt. Joselito de Sesto kaya pala pang-zesto energy drinks lang pala ito. Hehe.

Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 09­26­­6719269 o i-email sa juan­[email protected] o juan­[email protected]. – JUAN DE SABOG