Opisina ng LTFRB, pansamantalang magsasara

Opisina ng LTFRB, pansamantalang magsasara

January 6, 2022 @ 12:28 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Magsasara muna ang central office ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) mula ngayong araw, Enero 6, hanggang Biyernes, Enero 7.

Ayon sa ahensya, wala ring operasyon ang kanilang 24/7 hotline na 1342 hanggang ika-9 ng Enero.

Sinabing lahat ng empleyado ay sasailalim sa mass swab testing habang ang pasilidad naman ay sasailalim sa disinfection.

Maaari namang magpadala ng mensahe sa LTFRB Official Facebook page kung may katangungan at problema.

Gayundin sa kanilang e-mail sa Public Assistance Complaints Desk (PACD) sa [email protected]. RNT/FGDC