Opisyal na araw ng pagiging spokesperson ni Sec. Panelo, magulo

Opisyal na araw ng pagiging spokesperson ni Sec. Panelo, magulo

October 11, 2018 @ 5:28 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Samu’t sari ang impormasyong lumabas sa Malakanyang kung kailan epektibo bilang Presidential spokesperson si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo Jr.

Sa text message ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go ay “concurrent, today” ang tugon nito habang si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar naman ay “Monday” ang sagot.

Ani SAP Go, on-leave si Sec. Roque at nananatiling tinitimbang nito ang kanyang opsyon.

Kaya malinaw lamang aniya na walang sibakan o hindi sinibak si Sec. Roque.

Para naman kay Sec. Andanar para sa pagbibigay linaw ay sinabi nito na “Immediately na lang”.

“SAP has the last say. If he says now, then now. I’m with Sal now,” anito.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Sec. Panelo na matagal na siyang tagapagsalita ni Pangulong Duterte.

Unang araw pa lamang aniya ng presidential campaign ng Pangulo ay tagapagsalita na siya ng Punong Ehekutibo.

“Eh actually wala namang pagbabago kasi Day 1 of the presidential campaign of the President I was already his spokesperson. And Day 1 when he assumed presidency I was also his spokesperson. In fact, the executive order creating this office, my present position states that I am the spokesperson of the President,” anito.

Kaya nga aniya, wala talagang pagbabago.

Ang tanging pagkakaiba lamang aniya ay mas magiging ‘visible’ na siya ngayon.

“Kasi as Chief Presidential Legal Counsel, I was really speaking for the President on matters of national sensitive issues that requires my articulation of thoughts and ideas of the President.” aniya pa rin. (Kris Jose)