Opisyal ng barangay patay, 2 iba pa sugatan sa pamamaril

Opisyal ng barangay patay, 2 iba pa sugatan sa pamamaril

October 21, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga suspek sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Cotabato City na ikinasawi ng isang opisyal ng barangay at ikinasugat ng dalawang senior citizen.

“We are looking at several persons (and are) digging deeper into this case,” pahayag ni Major Amil Andungan, police station 2 commander nitong Biyernes, Oktubre 21.

Nitong Huwebes kasi ay binaril-patay ang isang 43-anyos na lalaki na kinilalang si Alberto Tampos sa kahabaan ng Governor Gutierrez Avenue sakay ng kanyang motorsiklo nang pagbabarilin ng mga suspek na sakay din ng dalawang motorsiklo.

“He sustained four gunshot wounds in the head,” ani Andungan.

“The family could not explain why he was murdered,” dagdag pa niya.

Si Tampos ay opisyal ng barangay at ikalawa na sa mga pinatay na opisyal mula noong Enero.

Sa kaugnay na balita, dalawa naman ang nasaktan sa nangyaring pamamaril noong Miyerkules sa Barangay Balabaran, kaparehong lungsod.

Ang mga biktima naman ay kinilalang sina Norodin Ali, 60-anyos at ang 45-taong gulang na si Bolbs Adzal, na nakaupo lamang sa harap ng bahay nang pagbabarilin ng dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo.

Agad na isinugod sa pagamutan ang dalawang sugatan. RNT/JGC