Opisyal ng NPA sa Caraga, huli sa Bulacan

Opisyal ng NPA sa Caraga, huli sa Bulacan

December 9, 2022 @ 3:46 PM 2 months ago


Bulacan – Arestado ng nga awtoridad ang isang mataas na opisyal ng New Peoples Army (NPA) na Top 6 Most Wanted Person (MWP) – Regional Level ng Region 13 Caraga sa bayan ng Sta. Maria.

Kinilala ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo ang naarestong rebelde na si Ronaldo Galdiano alyas Ronald Enriquez.

Sa report, naaresto si Galdiano ng mga tauhan ng 1st PMFC katuwang ang Malolos police, 301st MC RMFB3, RID13, PIU Surigao Del Sur, Bulacan PIU, 2nd PMFC at Lianga police nitong Disyembre 8 sa bisa ng warrant of arrest sa kasong 3 counts of murder na inisyu ng RTC Branch 28, Lianga, Surigao noong Pebrero 23, 2021 na walang itinakdang piyansa.

Ayon sa report, ang naarestong rebelde ay dating Commanding Officer ng NPA in the Barrio Weakend Guerill Front (WGF) 19, Southern Regional Committee, Southland North Eastern Mindanao RC and COPLAN SAKSI.

Sinasabing unang nahuli ang pulang mandirigma ng 3rd Platoon, 1st PMFC nitong Disyembre 5, sa Brgy. Sta. Cruz, Sta. Maria,sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Attempted Murder na may piyansang P100,000. Dick Mirasol III