Opisyal ng PCSO, patay sa pamamaril

Opisyal ng PCSO, patay sa pamamaril

July 30, 2020 @ 5:57 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Patay ang dating Heneral na isang opsiyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) makaraang pagbabarilin ngayong hapon sa Mandaluyong City.

Nakilala ang biktima na si PCSO Board Secretary Wesley A. Barayuga, habang ginagamot naman ngayon sa hospital ang kanyang driver na si Jun Gonao.

Sa ulat, kakaalis lamang ng opisyal sa punong tanggapan ng PCSO sakay ng pick-up na may plakang SKR-923 na pag mamay-ari ng ahensya.

Halos tatlong daang metro lamang ang layo ng mga biktima kung saan pagsapit nitonsa Calbayog St kanto ng Malinao St. ay isang suspek na sakay sa Yamaha NMAX ang bumaril sa opisyal.

Sa ulat ni Mandaluyong Chief of Police, P/Col. Hector Grijaldo, nakarekober sila ng apat na basyo ng bala ng 45 sa pinangyarihan ng insidente.

Bago pinagbabaril ang mga suspek ay isang Honda CRV ang nasa kanilang harapan at bumagal ito sabay na pinagbabaril ng salarin.

Sa ngayon hawak na ng mga imbestigador ang kuha ng CCTV footage kung saan nakuhanan ang nasabing insidente. Toto Nabaja


  •  
  •  
  •  

Loading...