Opisyal ng PDEA, 2 operatiba arestado sa Taguig buy bust

Opisyal ng PDEA, 2 operatiba arestado sa Taguig buy bust

December 7, 2022 @ 9:16 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang district chief ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kasama ang dalawang tauhan ng PDEA at isang driver sa anti-illegal drug operation sa Taguig City nitong Martes.

Kinilala ang mga naaresto na sina PDEA Southern District Office chief Enrique Lucero, PDEA agents Anthony Alabastro at Jaireh Llaguno, at driver na si Mark Wallo, ayon sa ulat ng National Capital Region Police Office.

Ang apat ay inaresto sa PDEA SDO headquarters matapos ang isang pulis na umaktong poseur buyer, sinabi rin sa ulat.

Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong sachet na naglalaman ng white crystalline substance na may tinatayang Dangerous Drug Board (DDB) value na ₱680,000; isang plastic ng hinihinalang shabu na may halagang DDB na ₱8.5 milyon; at digital weighing scale.

Sinabi ng pulisya na nasa kustodiya na ngayon ang mga suspek habang hinihintay ang pagsasampa ng kaukulang kaso sa Taguig City Prosecutor’s Office. RNT