Opisyal ng PNP, kulong sa kasong rape

Opisyal ng PNP, kulong sa kasong rape

June 14, 2022 @ 1:00 PM 3 weeks ago


DAVAO CITY- Dinakip ng kanyang mga kabaro ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos ireklamo ng panggagahasa ng kanyang tauhan na isang Patrolwoman nitong Lunes sa Davao Oriental.

Nahaharap sa kasong rape ang suspek na si Police major Warren Dilem, commanding officer ng 2nd Police Mobile Force Company Davao Oriental.

Ayon kay Col. Francis Donald Brillante, police director, Davao oriental, dakong alas-3 ng madaling araw naganap ang insidente sa loob ng quarters ng 34-anyos itinago sa pangalan Patrolwoman Angel.

Kwento ni Angel, pilit natulog sa loob ng kanyang quarters ang suspek hanggang sa tuluyan sa siya ay ginahasa.

Sinabi naman ni Prosecutor Neil Pudpud na dadalhin si Angel sa isang facility ng PNP regional office para sa mga inabusong kababaihan sa sa Davao upang mabigyan ng maayos na atensyon dahil sa matinding trauma na naranasan nito.

Kaugnay nito, ipinaalam na rin ang naturang kaso sa tanggapan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) provincial director Orle Cabaobao.

Possible naman maharap sa patung-patong na kaso si Delim at nanganganib na matanggal na sa serbisyo. Mary Anne Sapico