Opisyal ng teroristang grupo, kasama patay sa operasyon

Opisyal ng teroristang grupo, kasama patay sa operasyon

January 22, 2023 @ 2:18 PM 2 weeks ago


MAITUM, Sarangani- Patay ang Deputy Secretary ng isang Communist Terrorist Group at mga kasama nito sa isinagawang operasyon ng militar kahapon, Enero 22 sa bayang ito.

Kinilala ni Lt. Sinabi ni Col. Dennis Almoarato, 6ID Philippine Army spokesperson ang nasawi na si Arnold Amad, alyas “Kempee Maguan” at alyas “BamBam” 2nd Deputy Secretary ng Guerilla Front Musa ng Far South Mindanao Region at kasama nito na si alyas”Saysay”.

Batay sa report, naganap ang sagupaan sa bahagi ng Brgy. Bagong La Union sa naturang bayan.

Narekober ng militar sa lugar ng pinangyarihan ng sagupaan ang 1 kalibre 45 na armas.

Patuloy naman tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga nakatakas kabilang ang isang Anthony Narvasa alyas “Magaw, Omar at Nimad” isa rin sa mga kalihim ng GF Musa FSMR.

Naniniwala naman ang militar na malaking kawalan sa grupo ng CTG ang pagkamatay sa dalawa nilang kasamahan. Mary Anne Sapico