Opisyales ng Nayong Pilipino, sinibak

Opisyales ng Nayong Pilipino, sinibak

August 7, 2018 @ 12:36 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Sinibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng board members ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) dahil sa umano’y maanomalyang pagpapaupa sa lupang pag-aari ng gobyerno sa loob ng pitumpung taon.

Sa isinagawang press briefing kanina, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinag-utos ito ng pangulo matapos ang kanilang cabinet meeting kagabi.

“He therefore announced that he was sacking all members of the board and management of Nayong Pilipino,”ayon kay Roque.

“He cited the case of Nayong Pilipino leased government property for a ridiculous long period of time, 70 years, beyond the lifetime of anyone, and he considered this as a contract which was grossly disadvantageous to the government,” dagdag pa ng kalihim. (Remate News Team)