‘Oplan Asin’ inilunsad ng BFAR

‘Oplan Asin’ inilunsad ng BFAR

March 11, 2023 @ 2:15 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Agriculture’s Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) ang “Oplan Asin” para buhayin ang nasabing industriya at palakasin ang produksyon nito sa bansa.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) ang Oplan Asin ay pinasinayaan sa Dasol, Pangasinan, isang bayan na puno ng mga magsasaka ng asin. Ang mga lokal na magsasaka ng asin ay nahaharap sa malaking kahirapan sa produksyon, na kailangang makipagkumpitensya sa imported na asin, na may 93 porsiyento ng asin ng bansa ay nagmumula sa ibang bansa.

“With Oplan Asin, we will prioritize intervention to our existing salt producers and revive the inactive ones by helping them comply with the market requirements. This is in our bid to ensure sustainable salt production and livelihood of our salt farmers, and ultimately, attain national salt self-sufficiency,” ayon pahayag ni DA-BFAR Director Demosthenes Escoto.

Ayon sa DA-BFAR, ang Oplan Asin ay ipinatupad noong 2022 sa magkasanib na pagsisikap kasama ang National Fisheries Research and Development Institute upang mapataas ang lokal na produksyon ng de-kalidad na asin.

Kaugnay nito sinabi ni Escoto na uunahin ng proyekto ang partisipasyon ng mga lokal na producer ng asin at bubuhayin ang idle industry habang tinitiyak ang sustainability at ang kabuhayan ng mga magsasaka ng asin.anlipunan ng mga magsasaka ng asin, na isa sa mga aktibidad bago ang paglulunsad. Santi Celario