Oplan Baklas ng Comelec, umarangkada na

Oplan Baklas ng Comelec, umarangkada na

February 17, 2022 @ 10:09 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Nagsimula nang magbaklas ng mga election campaign posters ang Commission on Elections (Comelec) na maaring oversized o ipinaskil sa lugar na ipinagbabawal.

Sa livestream na ipinakita ng Comelec sa kanilang Facebook page, makikita na malalaking tarpaulin na nagpo-promote ng mga kandidatura nina Vice President Leni Robredo and Senator Francis Pangilinan sa Cubao, Quezon City ang pinagtatanggal sa “Oplan Baklas.”

Binaklas din ng Comelec ang isang malaking tarpaulin na nagsususlong ng election bids nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. and Davao City Mayor Sara Duterte.

Sinabi naman ni Comelec spokesperson James Jimenez na gumagawa lang sila ng hakbang para matiyak na nasusunod ang mga batas.

Sa ilalim ng Section 6 of Comelec Resolution 10730, kasama sa lawful election propaganda ang:

  • Pamphlets, leaflets, cards, decals, stickers o iba pang nakasulat o nakalimbag na materyales na ang l;aji nito ay hindi lalampas sa walo at kalahating pulgada ang lapad at labing-apat na puldaga ang haba;

  • Mga naka-print na mga sulat na humihimok sa mga botante na bumoto para o laban sa anumang particular na partidong pampulitika o kandoidato para sa pampublikong opisina;

  • Cloth, paper o cardboard posters, na naka-frame man o nakapaskil, na may lugar na hindi hihigit sa two feet by three feet, maliban na, sa lugar at sa okasyon ng pampublikong pagpupulong o rally, o sap ag-anunsyo ng pagdaraos ng nasabing pulong o rally, ang mga streamer na hindi hihigti sa three feet by eight feet ang sukat, ay dapat pahintulutan

Ang mga streamer na ito ay maaaring ipakita limang araw bago ang petsa ng pulong o rally at dapat alisin sa loob ng 24 oras pagkatapos ng nasabing

Samantala, binaklas din ng Comelec at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang mga campaign posters sa EDSA-Pasay na hindi rin sumunod sa mga alituntunin.

Ayon sa Comelec-National Capital Region (NCR), may ilang kandodato ang sumunod nang mabigyan ng abiso na tanggalin ang kanilang mga campaign posters ngunit ang iba ay hindi pa nagagawa.

Sinabi naman ni election lawyer Romulo Macalintal, na walang awtoridad ang Comelec na tanggalin ang malalaking campaign posters baastat nmakalagay ito sa pribadong ari-arian at may permiso ito ng may-ari ng pribadong ari-arian,.

“Mali at labag sa Saligang Batas na basta na lamang binabaklas ng Comelec ang mga campaign materials na ito na hindi binibigyan ng pagkakataon na marinig muna ang panig ng mga nagpost ng nasabing campaign posters,” sinabi naman ni Macalintal, na isa sa abogado ni Robredo . (Jocelyn Tabangcura-Domenden)