Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2022 ng PCG, umarangkada!

Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2022 ng PCG, umarangkada!

October 25, 2022 @ 4:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nagpakalat na ng mga tauhan ang Philippine Coast Guard (PCG) sa iba’t ibang pantalan para sa Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2022.

Ayon sa PCG, nasa 1,895 personnel ang kanilang dineploy ngayong araw, Oktubre 25 na mag-iinspeksyon sa 72 vessels at 1,686 motorbancas.

Nakapag-monitor na rin ng 7,416 outbound passengers at 6,880 inbound passengers sa lahat ng daungan at daluyan sa buong bansa.

Bukod sa pagtataguyod ng maritime security at maritime safety, tumutulong din ang mga tauhan ng PCG sa pagpapatupad ng mga health protocols para isulong ang kalusugan at kaligtasan ng publiko.

Samantala, todo-bantay na rin ang PCG at K9 Force nito sa mga paliparan at iba’t ibang istasyon ng tren sa bansa.

Katuwang ang mga Coast Guard Working Dogs (CGWDs), ini-inspeksyon ng PCG personnel ang bagahe ng mga pasahero at kargamento ng mga sasakyang pandagat.

Panawagan ng PCG sa publiko, manatiling alerto at agad na ipagbigay-alam sa awtoridad kung may mapapansing kahina-hinalang tao o bagahe para agad na maaksyunan.

Tiniyak din ng PCG na patuloy ang kanilang monitoring at nakahanda ang kanilang mga deployable response groups sa oras na kailanganin ang kanilang serbisyo sa paparating na long weekend. Jocelyn Tabangcura-Domenden