Oplan Greyhound, isinagawa sa Malabon City Jail

Oplan Greyhound, isinagawa sa Malabon City Jail

August 7, 2018 @ 3:52 PM 4 years ago


 

Malabon City – Biglaang nagsagawa ng  Oplan Greyhound ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) sa Malabon City Jail, kaninang unaga August 7.

Isa-isang pinalabas ang mga Persons Deprived of Liberty o PDLs sa kanilang mga selda at pinadiretso sa rooftop bago hinalughog ang kanilang mga gamit at pinaikot din ang K9 units.

Ilang ipangbabawal na bagay tulad ng ilang piraso ng pako at takip ng de lata na maaaring makasugat ang nakauha at kinumpiska din ang mga ballpen, pang-ahit, nail cutter, suklay, hanger at salamin na kabilang sa controlled items.

“Priority din ng bureau namin ito para maipakita namin na malinis talaga ang mga kulungan namin sa BJMP na hindi pwedeng pasukan ng ipinagbabawal na gamot,” pahayag ni Jail Supt. Jun Boadilla, warden ng male dorm.

Nasa 2,044 ang PDLs na nakapiit sa Malabon City Jail, higit 800 ang sa female dorm habang nasa 1,200 ay sa male dorm.

Pero ang kapasidad lang ng kulungan ay nasa 350 katao kaya ang congestion rate ay mahigit sa 500 percent.

Aminado ang BJMP na hindi sapat ang kanilang mga tauhan para sa ganitong karaming preso.

Kaya malaking bagay na nasa 50 CCTV cameras ang naka-install sa iba’t ibang bahagi ng piitan.

“Malaking tulong po yun kasi namo-monitor namin yung movement ng mga PDL pati na rin yung mga dalaw. Pagdating pa lang diyan sa harap diyan pa lang sa parking area namo-monitor na po namin,” ani Boadilla.

Regular din na nagsasagawa ng Oplan Greyhound ang mga otoridad pero random lang ito sa mga selda. (Roger Panizal)