Oplan Kalinga pinababa ang COVID-19 cases ng 35%

Oplan Kalinga pinababa ang COVID-19 cases ng 35%

September 16, 2020 @ 2:18 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinababa ng 35 porsyento ang bilang ng coronavirus disease (COVID-19) ng Oplan Kalinga ayon kay National Policy Against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

“Sa report po namin kay Presidente, sa buong NCR, 35 percent po ang decline ng cases. Meaning, noong nagsimula po tayo ng Oplan Kalinga, napakabilis ng pagbaba po (Based on our report to the President [Duterte], throughout NCR, the decline in cases is 35 percent. Meaning, when we started Oplan Kalinga, it went down very fast,” saad ni Galvez.

Lahad nito na mula sa 88,106 aktibong kaso nabawasan ito ng 53,754 nitong Setyembre 14.

Dagdag pa nito na 34,355 ang natapyas sa bling ng mga kaso mula nang ipagbawal ang home quarantine nitong Agosto 14 hanggang Setyembre 14.

“Kung hindi po natin na-isolate iyan baka may dagdag po tayo na,” sabi pa nito.

Matatandaang inilunsad ang programa upang mabawasan ang hawahan sa mga lokal na komunidad.

“So iyon po ang sinasabi po natin sa ating mga LGU na kung maaari magkaroon sila ng desisyon na magkaroon sila ng Covid-dedicated hospital at saka ang mga tinatawag nating non-Covid hospital para po hindi ma-compromise ang ating mga tinatawag na mga critical patient,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ni Galvez ang pangangailangan ng 54,000 pang mga kama para sa mga pasyente lalo na sa Central Luzon at Bicol regions.RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...