OPLAN LAGLAG-PANGALAN

OPLAN LAGLAG-PANGALAN

June 22, 2022 @ 8:45 PM 1 week ago


HINDI na bago ang usapang SOP sa mga proyektong nakukuha ng mga kontratista sa pamahalaan. Kung ilang porsyento, depende sa halaga ng proyekto o ‘di naman kaya’y sa takaw ng kausap na taong gobyerno.

Pero sa Department of Education (DepEd), iba ang kostumbre ng isang sindikatong nagpapakilalang “pasok” kay incoming Vice President Sara Duterte na itinalaga para pamunuan ang naturang departamento.

Ang tanong alam kaya ni VP Sara Duerte na ginagamit ang pangalan niya ng sindikato sa loob ng DepEd????

Ayon sa nakalap natin sa isang impormanteng tulad kong probin­syano, kakaiba ang tikas ng nasabing grupo. Magarang manamit, matamis mangu­sap at maagap pagdating sa pera.

Katunayan nga, nagawa ng naturang sindikatong kultaban agad ng tumataginting na P25 milyon ang isang kontratista kapalit ng pangakong sa kanya igagawad ni incoming DepEd Secretary Sara Duterte ang proyekto sa de-fogging ng mga silid aralan sa 47,612 public schools sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ang totoo, sadyang nakakaengganyo ang alok ng naturang sindikato, lalo pa’t P2.5 bilyon ang halaga ng naturang proyektong ikinasa ng gobyer­no sa gitna ng mga ulat kaugnay ng pagdami ng mga kaso ng Dengue sa iba’t ibang panig ng bansa. Sa simpleng pagkukwenta, lumalabas na 1% lang ang paunang biyaya.

Ang siste po, e mukhang mauuwi lang sa wala ang inilabas na pera ng negosyanteng natakam sa malaking kita sa sandaling maupo na sa DepEd si VP Sara.

Bakit kamo? Minsan na kasing umugong ang operasyon ng naturang sindikato. Tumanggap ng SOP, pero hindi naman natuloy ang proyekto so ang resulta nalumbay ang negosyanteng napurdoy. He..he..he…!

Ang modus ng sindikato, magpakilalang “panyero” ng isang taong malapit sa puso ni VP Sara. Kung kikilatisin ang pagkatao ng mga damuho, mapapanganga ka. E kasi naman, totoo naman palang may kinakapitan sa kampo ng susunod na Pangalawang Pangulo.

Ang tanong may basbas ba sila ni VP Sara? Ang sagot ay malinaw na wala! Bakit dahil kung mayroon,bakit ‘yung pangakong proyekto para sa unang kinausap ng naturang grupo, biglang napurnada?

Eh kasi nga, nabalitaan pala ng noo’y Davao City Mayor na ginagamit ng naturang grupo ang kanyang pangalan sa kabi-kabilang diskarteng bulilyaso.

Kaya siya mismo ang nagpakansela ng proyektong ipinangako sa kontratistang kinultaban ng mga kawatan.

Sino ang puno ng sindikato? PM is the key!