‘Oplan Sita’ sa foreigners target ng NCRPO

‘Oplan Sita’ sa foreigners target ng NCRPO

September 15, 2022 @ 4:21 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Plano na rin National Capital Region Police Office (NCRPO) na magpatupad ng “Oplan Sita” para sa mga dayuhan sa mga checkpoints sa Metro Manila.

Ito ay dahil na rin sa tumataas na bilang ng krimen sangkot ang ilan sa kanila.

Sa binubuong polisiya, mabibigyan ng pagkakataon ang mga pulis na siyasatin at inspeksyunin ang mga dayuhan kabilang na ang pag-check sa ID nila.

Ito ang sinabi ni NCRPO chief PBGen. Jonnell Estomo kasabay ng Senate committee hearing.

“Ang plano ko sana sir, ipapauso ko ‘yung ‘oplan sita’ sa mga foreign nationals, halimbawa sa checkpoint, oplan sita ‘pag may nakitang Chinese o foreigner, hihingan ng ID,” ani Estomo.

Sa kabila nito, nag-aalala umano ang NCRPO na baka matapakan nila ang tungkulin ng Bureau of Immigration patungkol rito.

Bilang tugon, siniguro naman ni Bureau of Immigration officer in charge Fortunato Manahan Jr. na ang naiisip na plano ng PNP ay pasok pa rin sa kanilang tungkulin sa law enforcement.

“May jurisdiction naman po ang law enforcements, especially the PNP to check. Sa amin po we’re focusing on immigration violations and immigration violators,” ani Manahan na dumalo rin sa pagdinig.

Isinagawa ang pagdinig ng Senado ngayong araw patungkol sa tumataas na bilang ng mga kidnapping at krimen sa bansa. RNT/JGC