Oplan Sita sa papalapit na Pasko

Oplan Sita sa papalapit na Pasko

December 12, 2022 @ 6:38 PM 2 months ago


TINGNAN: Walang pinalampas na mga motorista ang mga tauhan ng Manila Police District – Barbosa Station 14 sa isinagawang Oplan Sita sa Recto Avenue, Maynila.

Sinala at ininspeksyon ng mga ito ang rehistro at lisensya ng mga napapadaang rider sa nasabing lugar.

Bahagi rin ito ng MPD ng pagbibigay ng dagdag na police visibility upang mapanatili ang seguridad habang papalapit ang araw ng Pasko. RNT