OPM artist, may kantang ginawa para kay tatay Digong!

OPM artist, may kantang ginawa para kay tatay Digong!

September 11, 2020 @ 7:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Iba talaga ang passion sa musika ng recording artist/composer na si Gari Escobar. Isa siyang prolific na singer/songwriter.

Ngunit recently, nalaman namin na nagpapahanap siya ng mga ospital na mabibigyan nila ng isolation tents.

Bukod sa kanyang daily FB live na nagbibigay pag-asa sa ating mga kababayan sa panahong ito ng pandemiya, aktibong tumutulong sa frontliners ang grupo ni Gari na tinatawag nilang ‘Team Supreme.’

Natanong tuloy namin kung may plano ba siyang pumasok sa politika sa hinaharap?

“Hindi po,” ang kanyang matipid sagot.

Ang rason niya ay bawal daw kasi sa INC (kung san siya kaanib) at gusto lang daw niyang makatulong sa abot ng kanyang makakaya.

Ibig niya ring makatulong sa kasalukuyang administrasyon dahil itinuturing niyang tatay-tatayan ang Pangulong Rodrigo Duterte na labis niyang iniidolo.

Esplika ni Gari, “Hangang-hanga ako kung paano niya hina-handle ang maraming suliraning kinakaharap ng ating bansa sa ngayon kasabay pa ng kanyang agresibo at ambitious na ‘Build, Build, Build Projects.’

“Ang galing ng tatay ko! Lagi ko siya isinasama sa aking mga panalangin, pati ang ating bansa.

“Pangarap ko na makausap siya at maiparinig sa kanya ang isang kanta na na-compose ko dahil siya ang aking inspirasyon,” wika pa ni Gari na ang tinutukoy na kanta ay ang ‘Rise up Philippines.’

Paano niya ide-describe ang ‘Rise up Philippines’ at kailan niya ito nagawa?

Tugon niya, “Itong ‘Rise Up Philippines,’ nagawa ko po noong 2016 noong nangangampanya pa lang ang tatay Digong. Siya kasi ang nakita kong pag-asa ng Pilipinas para umangat uli at makabangon sa matagal na pagkasasadlak sa kaguluhan, kahirapan, harassments at mga abuses.

“Sa aking pananaw, noong wala pa ang tatay Digong sa Malacañang, ‘yun ang panahon na walang boses ng katarungan ang mga inosenteng mamamayan dahil sobrang talamak ang korapsiyon, illegal drugs at krimen, na naging bunga ng matagal na paglaya ng mga masasamang tao kahit na dapat, sila ay nasa kulungan.

“Dati, araw-araw may mga balitang na-rape at pinatay. Pero ngayon ay napakadalang na kaya ang mga mamamayan ay panatag na ang kalooban.

“Sobrang hanga ako kay tatay Digong dahil handa niyang ibigay ang kanyang buhay para maituwid ang mga mali, kahit mga higante pa at untouchables ang kailangang buwagin o banggain. Sobrang proud ako na siya ang ama ng ating bansa.

“Mahal na mahal ko si tatay Digong. Gusto kong maging tulad niya sa pagmamahal sa ating bayan,” sambit pa ni Gari. Nonie Nicasio


  •  
  •  
  •  

Loading...