Opposition leader Anwar pinangalanang Malaysia PM

Opposition leader Anwar pinangalanang Malaysia PM

November 24, 2022 @ 2:28 PM 2 days ago


MANILA, Philippines- Pinangalanan si Malaysian opposition leader Anwar Ibrahim bilang prime minister, ayon sa palasyo nitong Huwebes, matapos ang ilang araw na political impasse kasunod ng magulong resulta ng eleksyon.

“After taking into consideration the views of Their Royal Highnesses the Malay Rulers, His Majesty has given consent to appoint Anwar Ibrahim as the 10th Prime Minister of Malaysia,” ayon sa pahayag.

Sa weekend election, nakamit ng Pakatan Harapan (Alliance of Hope) coalition ni Anwar ang mayorya sa mga pwesto, 82– subalit kapos sa rekisitos na 112-seat majority.

Nakuha naman ng Perikatan Nasional (National Alliance) bloc ni dating prime minister Muhyiddin Yassin ang 73.

Sinabi naman ni Muhyiddin, na suportado ng Islamist party, na dahil walang bloc ang may sapat na bilang, inisyal na hiniling ng hari sa kanila ni Anwar na bumuo ng “unity government”.

Ipinatawag naman ng hari ng Malaysia na si Sultan Abdullah Ahmad Shah, ang dalawnag magkaribal upang pagkasunduin ang dalawa. RNT/SA