OPS chief Angeles, MMDA OIC sapul ng COVID

OPS chief Angeles, MMDA OIC sapul ng COVID

August 15, 2022 @ 11:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dalawa pang opisyal ng gobeyerno ang nasapul ng COVID-19 sa gitna ng nararanasang pagtaas ng kaso sa buong bansa.

Ito ay sina Press Secretary Trixie Cruz-Angeles at Metropolitan Manila Development Authority Acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga III.

“Kahapon nagpa-COVID swab test ako, RT-PCR at lumabas ang resulta kaninang umaga. Ako po ay positive for COVID,” ani Cruz-Angeles sa Facebook Live ngayogn Lunes.

“Kung kaya’t sa bahay muna ako magtatrabaho habang ako ay naka-isolation,” dagdag pa niya.

Kinumpirma naman ng MMDA Information Office, ang pagkakapositibo sa virus ni Dimayuga na nakararamdam ng mild symptoms.

Sinimulan na rin ng opisyal ang kanyang home isolation. RNT