OPS, DICT secretaries wala sa oath-taking ng cabinet members na pinasinayaan ni PBBM

OPS, DICT secretaries wala sa oath-taking ng cabinet members na pinasinayaan ni PBBM

October 4, 2022 @ 1:03 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Kapansin-pansin na hindi kasama sina Press Secretary Trixie Cruz-Angeles at Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy sa roster ng reappointed Cabinet secretaries ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipinalabas ng Office of the Press Secretary (OPS).

Hanggang sa ngayon ay hindi pa nakapagpapalabas ang Malakanyang ng kalatas hinggil sa kapalaran nina Cruz-Angeles at Uy.

Matatandaang, nito lamang Setyembre, na-bypassed ng makapangyarihan na Commission on Appointments (CA) ang 14 na presidential appointee bago ang nakatakdang month-long recess ng Kongreso dahil sa kakulangan ng oras.

Kasama sina Press Secretary Trixie Cruz-Angeles at Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy sa mga Cabinet members kung saan ang ad interim appointments ay na- bypassed din.

Nauna rito, pinangunahan naman ni pinangunahan ni Pangulong Marcos ang oath-taking ng kanyang mga reappointed Cabinet members, araw ng Martes, Oktubre 4, sa Malakanyang.

Una sa listahan si newly-appointed Executive Secretary Lucas Purugganan Bersamin, 72, tubong- Bangued, Abra.
Pinalitan ni Bersamin si Atty. Victor Dayrit Rodriguez, bumaba sa puwesto noong nakaraang linggo.

Pinangunahan din ng Chief Executive ang oath taking ng mga sumusunod na ad-interim cabinet appointees gaya nina:

•Benjamin Estoista Diokno – Secretary of the Department of Finance

•Manuel Manligas Bonoan – Secretary of the Department of Public Works and Highways

•Alfredo Espinosa Pascual – Secretary of the Department of Trade and Industry

•Erwin Teshiba Tulfo – Secretary of the Department of Social Welfare and Development

•Jaime Jimenez Bautista – Secretary of the Department of Transportation

•Renato Umali Solidum Jr. – Secretary of the Department of Science and Technology

•Raphael Perpetuo Mercado Lotilla – Secretary of the Department of Energy

•Maria Susana Vasquez Ople – Secretary of the Department of Migrant Workers

•Arsenio Molina Balisacan – Secretary of the National Economic Development Authority

•Jose Rizalino Larion Acuzar – Secretary of the Department of Human Settlements and Urban Development

Samantala, sa official Facebook page ni Pangulong Marcos, pinangunahan nito ang pang-10 Cabinet meeting sa Malacañan Palace.

Hindi naman binanggit ng Pangulo kung ano ang agenda ng kanyang Cabinet meeting. Kris Jose