OPS ‘no comment’ muna sa pagkakasama ng Pinas sa blacklisted sa tourist sites ng Tsina

OPS ‘no comment’ muna sa pagkakasama ng Pinas sa blacklisted sa tourist sites ng Tsina

October 11, 2022 @ 3:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ayaw munang mag-komento ni OPS Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Atty. Cheloy Velicaria-Garafil sa ulat na kabilang na ang Pilipinas sa blacklisted na tourist site ng Tsina dahil umano sa mga POGO operasyon sa bansa.

Ang katuwiran ni Velicaria-Garafil, wala pa kasi silang natatanggap na advisory hinggil sa  blacklisting issue.

“So, pag nagbigyan na kami ng kaukulang advisory we will make the proper comment,” ayon kay Velicaria-Garafil.

Ayaw namang mag-speculate ni Velicaria-Garafil kung makaaapekto sa turismo ng Pilipinas ang anunsyo ng China.

“Ayaw ko pong mag-speculate so hintayin na lang po natin ang advisory kung meron man,” wika nito.

“I dont want to comment sa isang bagay na hindi pa namin po na confirm,” aniya pa rin.

Sa ulat, ibinunyag ni Senate President Migz Zubiri na kabilang na nga  Pilipinas sa blacklisted na tourist site ng Tsina dahil umano sa mga POGO operasyon sa bansa.

Ang impormasyon ni Zubiri ang nagmula matapos ang pagpupulong nila ni  Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian nitong Lunes.

“That is the reason why there’s been a significant drop in the number of Chinese tourists… Because of the problem of POGO, Ambassador Huang said the Philippines is now blacklisted and Chinese tourists are discouraged from visiting the Philippines,” ani Zubiri. Kris Jose