OPS-OIC nanawagan sa proteksyon ng mga mamamahayag

OPS-OIC nanawagan sa proteksyon ng mga mamamahayag

October 8, 2022 @ 1:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakiramay ang bagong talaga bilang Office of the Press Secretary officer-in-charge na si Cheloy Garafil sa pamilya ng pinaslang na radio commentator na si Percival Mabasa, o mas kilala bilang Percy Lapid, sa Manila Memorial sa Parañaque City nitong Biyernes.

Ayon kay Garafil, ang pagbisita ay personal trip, dahil matagal na niyang kaibigan si Roy Mabasa, kaibigan ng mamamahayag na pinatay sa pamamaril noong Lunes.

“I came here because Roy is a friend. Dati kami nag-cover sa DFA and police beat. Di ko personally kilala si Percy but siyempre I am concerned for the family,” paglalahad ng acting press secretary.

“We will always be one with the media. And we are putting interest and their rights at nakikiisa sa industry para maprotektahan ang media practitioners sa bansa,” dagdag niya.

Nanawagan din si Garafil ng hustisya para sa pinatay na broadcaster.

“I hope truth will come out and justice will be served … The police will play a major role in this. And I understand medyo nagkakaroon na ng development sa case, sa pag-identify ng killers. I hope magkatuloy-tuloy para ma-solve ang tragic end,” aniya.

Sa isang press briefing nitong Biyernes, ipinakita ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang larawan mula sa CCTV ng “person of interest” sa pamamaril sa 63-anyos na radio commentator.

Inamin ng bagong talagang opisyal na magiging mahirap ang kanyang posisyon subalit nakahanda umano siya sa unang official day sa Oktubre 10.

“Napaka-importante ng opisina ng OPS. Marami siya kaakibat na issue and responsibility. So siyempre sobrang pressure but give me this weekend to rest and relax para monday sasabak na tayo,” sabi niya. RNT/SA