OPS walang ideya kung may bday celebration si PBBM bukas

OPS walang ideya kung may bday celebration si PBBM bukas

September 12, 2022 @ 4:57 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Walang impormasyon si Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kung mayroon o walang birthday celebration o salu-salo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magdiriwang ng kanyang ika-65 taong kaarawan bukas, Setyembre 13.

“However we can safely assume that the president is going to mark it. Remember it. It’s like okay when I have a birthday yehey happy birthday to me. Sometimes we have cake. How it’s going to be celebrated we’ll be a matter to announce at a later date,” ayon kay Cruz-Angeles.

Sinabi pa ni Cruz-Angeles na wala namang kahit na anumang instruction siyang iaanunsyo hinggil sa kaarawan ni Pangulong Marcos.

Sa kabilang dako, bagama’t kaarawan ng Pangulo bukas ay mayroon naman itong dadaluhang isang event sa San Mateo Rizal. Kris Jose