Opsyunal na pagsusuot ng face mask sa indoor setting pinag-aaralan ni Cebu Gov. Garcia

Opsyunal na pagsusuot ng face mask sa indoor setting pinag-aaralan ni Cebu Gov. Garcia

September 3, 2022 @ 3:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Pinag-aaralan ni Gov. Gwen Garcia ng Cebu na paluwagin ang face mask rule sa lugar, sa kabila ng pagsita sa kanya sa inilabas na order nitong Hunyo.

Iginiit ni Garcia na nais lamang niyang tularan ang mask guidelines sa Singapore, na opsiyonal kahit sa indoor setting.

Sa kanyang naunang executive order, opsiyonal ang paggamit ng face mask sa mga bukas  at well-ventilated areas, na taliwas sa national officials kabilang ang IATF.

“I do plan to take consideration even indoors. We are now closely studying this. We are consulting other sectors including the local Department of Health, Department of Tourism, DTI, all other sectors because the wheels of government are not centered on the DOH alone,” ani Garcia.

Batay sa Ministry of Health Guidelines ng Singapore na ipinalabas noong Agosto 29, required lamang ang face masks sa mga sumusunod– health-care facilities kabilang ang medical transport, residential care homes, public transport, st outbound flights kung saan ang mga pupuntahang bansa ay nangangailan ng mask.

“The economy has been devastated for too long because of their restrictive policies that have been crafted by those who haven’t seen their actual situation right here on the ground,” dagdag ni Garcia.

Inihayag pa ng gobernador na binabalangkas na ang executive order, na hindi pa ipinapalabas sa publiko.

Ito ay kasunod ng pagluluwag ng Cebu city sa face mask rule nito.

Sa Cebu city, ang order ni Mayor Mike Rama na nilagdaan nitong Miyerkules ay ang non-obligatory use ng face mask sa lahat ng lugar maliban sa medical facilities at sa mga may flu-like symptoms.

Inalmahan naman ito ng DILG at DOH who at sinabing hindi pa tamang panahon upang luwagan ang health protocol sa paggamit ng face masks. RNT/SA