Optional face mask indoors tinutulan ng health group

Optional face mask indoors tinutulan ng health group

October 27, 2022 @ 7:59 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagpahayag ng matinding pagtutol ang isang grupo ng mga health worker sa plano ng gobyerno na gawing opsyonal ang paggamit ng face mask sa indoor settings o mga enclose na lugar.

Sinabi ng Alliance of Health Workers president Robert Mendoza ay nagbabala laban sa higit pang pinaluwag na health protocol kasabay ng banta ng mas nakahaha at mas immune-evasive na mga subvariant ng omicron tulad na lang ng pagkakaroon ng local transmission ng XBB subvariant at XBC variant sa bansa.

“Sa amin, hindi padalos-dalos sana ang ating pagsasabi ng ganiyan dahil alam natin kung meron lang free mass testing, siguro hindi lang ito ang mga datos na nakukuha natin,” ani Mendoza.

Para sa grupo, hindi dapat ikumpara ang Pilipinas sa ibang bansa na lumuwag sa kanilang COVID-19 protocols.

“Dito kasi sa ‘tin, once magkaroon na naman ng surge, imagine ‘yung last time, ‘yung last year, ‘yung talagang dumami, hirap na hirap ‘yung ating health workers, pagod na pagod dahil kulang ang ating manpower,” dagdag pa ni Mendoza. RNT