Optional face mask sa indoor, outdoor, tintado na ni PBBM

Optional face mask sa indoor, outdoor, tintado na ni PBBM

October 28, 2022 @ 6:34 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor areas batay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang direktibang ito ay sa ilalim ng Executive Order No. 7 na magmamarka ng kauna-unahang pagkakataon mula noong Marso 2020 na ang publiko ay may pagkakataong hindi magsuot ng face mask.

Inilabas ang EO No. 7 tatlong araw makaraang ianunsyo ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco na gagawin nang optional ni Marcos ang pagsusuot ng face mask.

Matatandaan na noong Setyembre 12 ay nauna nang pinayagan ng Pangulo ang optional na pagsusuot ng face mask sa outdoor settings sa bansa. RNT/JGC

This is a developing story