Optional face mask sa Pinas tintado na ni PBBM

Optional face mask sa Pinas tintado na ni PBBM

September 12, 2022 @ 2:02 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – PINAPAYAGAN na ng Malakanyang ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa outdoor settings.

Sa press briefing ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, inanunsyo nito na naglabas na ang Malakanyang ng Executive Order No. 03 na nagsasaad na ” allowing voluntary wearing of face masks in outdoor settings and reiterating the continued implementation of minimum public health standards during the state of public health emergency relating to the Covid-19 pandemic.”

Ani Cruz- Angles, ito aniya ang inanunsyo ng  Department of Health (DoH) na “voluntay wearing of face masks outdoors in non -crowded places.”

Subalit kung ang isang indibiduwal aniya ay immunocompromised, seniors o hindi kumpleto ang bakuna ay  kailangan pa rin   na magsuot ng face mask o hinihikayat na magsuot ng facemask .

“Basahin ko na lang po precisely yung provision: The voluntary wearing of face masks in open spaces and non crowded outdoor areas with good ventilation is hereby allowed provided that not fully vaccinated individuals, senior citizens and immunocompromised individuals are highly encouraged to wear their masks and physical distancing will be observed at all times. So meron pa rin tayong physical distancing,” ayon kay Cruz-Angeles.

“Face masks shall continue to be worn in indoor, private or public establishments, including in public transportation by land, air or sea and in outdoor settings where physical distancing cannot be maintained,” dagdag na pahayag nito.

Sinabi pa ni Cruz-Angeles na tuloy pa rin  ang  iba pang minimum public health standards  para epektibong maiwasan  at mapigilan ang paglaganap ng Covid-19 sa bansa.

” it shall continue to be implemented consistent with the principles of shared accountability, evidence-based decision making, socio economic equity and rights-based approach,” ayon kay Cruz-Angeles.

Dahil dito, inatasan aniya ang DOH  na i-update ang  MPHS Guidelines kaakibat ang ipinalabas na kautusan.

Idagdag pa rito, masayang ibinalita ni Cruz-Angeles  na  “we are 6 percent away from the wall of immunity.”

Iyon aniya ang dahilan kung bakit malakas na ang loob ng lahat sa face masks.

“Now congruent to that as well the state of calamity is extended for possibly three months but only for the purpose of preserving the benefits under it such as but not limited to the indemnification, hold on para mas precise tayo, okay here we go, indemnification, emergency procurement, special risk allowance for healthcare workers,” aniya pa rin.

“We will transition out of the state of calamity after further review. So good news all around,” dagdag na pahayag nito

Matatandaang, masusing  sinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa boluntaryong paggamit ng face mask sa labas.

Nabuo ang rekomendasyon matapos makipag pulong si Marcos sa mga opisyal ng Department of Health (DOH) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Palasyo ng Malacañan sa Maynila.

“Kaugnay nito, atin ngayong pinag aaralan ang rekomendasyon ng IATF ukol sa opsyonal na pagsusuot ng face mask,” ayon kay Marcos sa kanyang statement sa kanyang official Facebook page.

Sinabi ni Marcos na nakipag pulong siya sa mga opisyal ng DOH at DILG upang makakuha ng update sa laban ng bansa sa coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Sinabi niya na siya ay “masaya” na ang pinaigting na kampanya ng pagbabakuna ng gobyerno laban sa coronavirus ay nakatulong sa pagpapababa ng mga kaso ng Covid-19.

Samantala, sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles kahapon na ang mga Pilipino ay kinakailangan pa ring magsuot ng face mask, maliban na lamang kung ang opsyonal na paggamit ay magiging isang patakaran.

Kailangang maglabas si Marcos ng executive order (EO) para gawing boluntaryo ang paggamit ng mga face mask, ayon kay Cruz-Angeles. Kris Jose