Optional na pagsusuot ng face mask sa labas, mabuti sa turismo – DOT

Optional na pagsusuot ng face mask sa labas, mabuti sa turismo – DOT

September 14, 2022 @ 7:32 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Makatutulong umano upang lumago pa at makabangon ang industriya ng turismo sa polisiya na nagtatakdang maging optional na lamang ang pagsusuot ng face mask sa labas o outdoor settings.

Ito ang sinabi ni Department of Tourism Secretary Christina Frasco na ayon umano sa datos mula sa ibang bansa ay mayroong “more favorable economic conditions, an increase in tourist arrivals, and a faster recovery of their respective tourism portfolios” ang mas maluwag na health protocol.

“The DOT is optimistic that the lifting of the mask mandate will allow the Philippines to gradually catch up in the race to the recovery of tourism in the ASEAN region as this is seen to build more confidence in travel, spur economic activity, and enhance people-to-people connectivity into and around the country,” dagdag pa niya.

Nitong Agosto lamang ay nasa 1.3 milyon foreigner na ang bumisita sa Pilipinas.

Matatandaan na noong Lunes, Setyembre 12 ay inilabas ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang Executive Order No. 3 na ginagawa nang boluntaryo ang pagsusuot ng face masks sa mga open spaces at non-crowded outdoor areas na may maayos na bentilasyon. RNT/JGC