Optional Retirement Bill umusad na sa Kamara

Optional Retirement Bill umusad na sa Kamara

January 26, 2023 @ 12:10 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pasado na sa ikalawang pagbasa sa House of Representatives ang House Bill 206 o ang oanukalang nagsusulong ng optional retirement age sa mga government employees na mula 60 anyos ay gagawin nang 56 anyos.

Sa oras na maisabatas ang panukala ay aamyendahan nito ang Government Service Insurance (GSIS) Act of 1997 kung saan ang mga government workers na tumuntong sa edad na 56 anyos ay maaari nang magsumite ng kanilang retirement kung nanaisin nito.

Ayon kay ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, pangunahing may akda ng panukala, na sa kanilang kunsultasyon sa mga manggagawa ay isa ang maagang pagreretiro ang syang huling nito pangunahin na sa hanay ng mga guro sa public schools.

“retiring at a late stage would not allow them to fully enjoy their retirement years with the hazards and level of stress accompanying their duties”pahayag ni Castro.

Ani Castro kumpara sa ibang bansa gaya sa North American, European at Asian countries, sa Pilipinas ay huli ng 5 taon ang retirement age kaya naman mas mainam na ialok ito sa mga nagnanais nang magretiro sa mas murang edad.

“Respect and humane consideration demand that a person of 55 years — a few years shy of being a senior citizen — should not be required to perform the arduous functions expected of a public-school teacher in the Philippines. At such stage of their lives, public school teachers should at least be given the choice if they wish to rest from the profession and enjoy better and healthy years ahead,” pagtatapos pa ni Castro. Gail Mendoza